Galak ng Puso

Galak ng Puso

Nais ko lamang ibahagi ang kagalakan ng aking puso bago matapos ang taong 2023. Hindi naging madali sa akin ang taong ito dahil napakaraming ups and downs, mga iyak at ngiti, lungkot at galak na parang roller coaster ride. Dumating man sa puntong pasuko na sa laban, pero pinili pa ring bumangon at magpatuloy sa laban at sumabay sa agos ng buhay.
Sa taong ito nasubok ang aking pagkatao. Lahat ng mga pangyayari ay nag-iwan ng bakas sa kung ano ako ngayong 2024. Kung gaano natin katatag muling haharapin ang panibagong taon ay dulot ng mga pangyayari ng nakaraan. Kaya naman pasasalamat ang aking nais ipabatid sa mga taong naging bahagi ng aking 2023 journey. Lalong lalo na sa Pandayan na siyang may malaking ambag sa aking katauhan. Isang taos pusong PASASALAMAT, dahil unti-unti, mga pangarap ko para sa pamilya ko ay nakikita kong matutupad, hindi man agad-agad, pero alam ko, balang araw, matutupad ko ito kasama kayo.
Isa sa pinakamasarap na pakiramdam yung naibibigay ko ang pangangailangan ng aking pamilya, yung tipong hindi iniisip na baka magkulang sa budget o kaya baka maubusan. Ito ang unang pagkakataon na nagawa ko ito, lumabas kasama ang aking kapatid upang mamili ng kanyang mga gamit at pangangailangan at mapauwi ang aking mother sa kanyang home town na hindi iniisip ang gastos. Ang sarap pala sa pakiramdam. Hindi ko maitanggi ang aking kagalakan sa pagtatapos ng taon. Kaya naman maraming maraming salamat po.